Loading...

What is a PASSPORT?


Ano ba ang Pasaporte?


A passport is a travel document, usually issued by a country's government, that certifies the identity and nationality of its holder primarily for the purpose of international travel. Wikipedia
Good news! Dahil sa bagong pamamalakad ng current administration sa Pilipinas, ang mga pinoy ngayon ay maaari na ring maka-avail ng pasaporte na may 10 years validity.

Ano ba ang nasa loob ng PASAPORTE? 
It contains the following:
👉 your photo
👉 your name
👉 your date of birth
👉 your residencial address
👉 security features and passport number
👉 issuance and expiration dates
👉 plenty of blank pages. 

Note: Hindi ka makakaalis ng bansa kung wala kang pasaporte

Whenever you arrive in a new country, you'll have to hand your passport over to immigration, who will stamp one of your pages with their country's official seal. 
So kung may balak kang mag-travel abroad, kailangan mo ng PASAPORTE dahil ito ang pinaka-unang dokumentong hahanapin sa iyo ng IMMIGRATION.

SA PILIPINAS TAYO AY MAY 3 URI NG PASAPORTE:
1. Kulay Maroon - for odinary citizens
2. Kulay Red - for Government Officials
3. Kulay Blue - for Consul Generals


Dahil sa pasaporte ay madaling nalalaman ang ating katungkulan sa ating bansa. Ito rin ang dokumentong nagbibigay sa atin ng proteksyon galing sa ating bansa sa anumang international issue na maaari nating makaharap sa ibang bansa.

Paano ba mag-apply ng PHILIPPINE PASSPORT? 
Ito ang mga kinakailangan:
1. Confirmed Online Appointment (click here)

2. Personal Appearance

3. Accomplished Application Form (click here for Blank Application Form)


4. Original copy of Philippine Statistics Authority (PSA) Authenticated Birth Certificate on Security Paper

Married Females (who are using their spouse's last name) must also submit Original copy of PSA Authenticated Marriage Contract on Security Paper or Report of Marriage
5. Any of the following Valid IDs with one (1) Photocopy  (click here for the List of Acceptable IDs for Passport Processing)
*Additional requirements may be required. Please refer to the DFA WEBSITE for additional requirements for Adult New Applications.

Bakit kailangan mong magkaroon ng PASAPORTE?
Simple lang naman ang sagot na maibibigay ko. Bukod sa nagsisilbi syang national ID na nagpapakilala sa iyong identity, ang passport din ang numero unong kailangan sa paglalakbay sa ibang bansa.
Ang paglalakbay ang pinaka magandang bagay na magagawa mo sa iyong buong buhay. Sabi nga sa quotes, "Travel is the only thing that you buy that makes you richer". Yes totoo yan! Dahil hindi nawawala o mananakaw ng sinuman ang masasayang alaala na nakukuha mo sa paglalakbay. Ito ay walang katapat at walang kapares.
Maraming natutunan at kapakinabangan sa paglalakbay na sadyang mahirap tanggihan o balewalain. Binubuksan nito ang ating isipan at lubos na pinapalawak ang ating kaunawaan.
Sa paglalakbay ay napakarami nating taong makakasalamuha. First hand nating naeexperience at maiintindihan kung paano sila namumuhay ayon kanilang kultura, paniniwala, lokasyon at uri ng pamahalaan. At madalas dahil sa experience na iyon, mas naappreciate natin ang ating personal worth in connection to humanity as a whole and nature. Busog na ang iyong mata sa mga tanawin, at mag-uumapaw pa ang laman ng ating puso at isipan dahil sa mga bagong karanasan, kaalaman at mga bagong kakilala at kaibigan na ating matatamo sa paglalakbay.
Kaya kung mayroon ka lang din namang kakayanan at resources para makapag TRAVEL, why not get a PASSPORT, buy yourself a ticket and explore the rest of the world we live in.
Question: Mayroon bang passporting and visa processing service ang WCA TRAVEL?
Answer: Sa ngayon ay wala pa po kaming passporting at visa processing services. WCA TRAVEL can only offer booking services AS OF NOW. Bata pa at bago pa lang ang aming company pero malayo na ang aming narating. At iba't ibang parangal na ang aming natanggap mula sa mga awarding bodies. We are license to book flight travels, hotel accommodations and tour packages.

For flight bookings and inquiries, feel free to contact me anytime.

Let us turn your VACATION

into

PAY - CATION !

No comments:

Post a Comment